Jeremiah 11ABTAG

1Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

2Inyong pakinggan ang mga salita ng tipang ito, at inyong salitain sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem,

3At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Sumpain ang taong hindi nakikinig ng mga salita ng tipang ito,

4Na aking iniutos sa iyong mga magulang, nang araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa hurnong bakal, na nagsasabi, inyong talimahin ang aking tinig, at inyong isagawa, ayon sa lahat na iniuutos ko sa inyo: sa gayoy magiging bayan ko kayo, at akoy magiging inyong Dios;

5Upang aking maitatag ang sumpa na aking isinumpa sa inyong mga magulang, upang ibigay ko sa kanila ang isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot, gaya sa araw na ito. Nang magkagayoy sumagot ako, at sinabi ko, Siya nawa, Oh Panginoon.

6At sinabi ng Panginoon sa akin, Inyong itanyag ang lahat ng mga salitang ito sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na inyong sabihin, Inyong dinggin ang mga salita ng tipang ito, at inyong isagawa.

7Sapagkat aking pinatunayang mainam sa inyong mga magulang nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, na akoy bumabangong maaga at pinatutunayan ko, na aking sinasabi, Inyong talimahin ang aking tinig.

8Gayon may hindi nila tinalima o ikiniling man ang kanilang pakinig kundi lumakad bawat isa sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso: kayat dinala ko sa kanila ang lahat na salita ng tipang ito, na aking iniutos sa kanila na isagawa, ngunit hindi nila isinagawa.

9At sinabi ng Panginoon sa akin, Isang pagbabanta ay nasumpungan sa gitna ng mga lalake ng Juda, at sa gitna ng mga nananahan sa Jerusalem.

10Silay nanganumbalik sa mga kasamaan ng kanilang mga kanunuan, na nagsitangging duminig ng aking mga salita; at silay nagsisunod sa ibang mga dios upang paglingkuran: sinira ng sangbahayan ni Israel at ng sangbahayan ni Juda ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang.

11Kayat ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, akoy magdadala ng kasamaan sa kanila, na hindi nila matatakasan; at silay magsisidaing sa akin, ngunit hindi ko sila didinggin.

12Kung magkagayoy magsisiyaon at magsisidaing ang mga bayan ng Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem sa mga dios na kanilang pinaghandugan ng kamangyan: ngunit hindi sila ililigtas nila sa anoman sa panahon ng kanilang kabagabagan.

13Sapagkat ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios. Oh Juda; at ayon sa bilang ng mga lansangan ng Jerusalem ay nagtayo kayo ng mga dambana sa kahiyahiyang bagay, mga dambana upang pagsunugan ng kamangyan kay Baal.

14Kayat huwag mong idalangin ang bayang ito, o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man; sapagkat hindi ko didinggin sila sa panahon na silay magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan.

15Anong magagawa ng aking sinta sa aking buhay, yamang siyay gumawa ng kahalayan sa marami, at ang banal na lamang handog ay humiwalay sa iyo? pagka ikaw ay gumagawa ng kasamaan, ikaw ngay nagagalak.

16Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan, Sariwang puno ng olivo, maganda na may mainam na bunga: sa pamamagitan ng ingay ng malaking kagulo ay kaniyang sinilaban ng apoy, at ang mga sanga niyaon ay nangabali.

17Sapagkat ang Panginoon ng mga hukbo, na nagtatag sa iyo, ay nagbabadya ng kasamaan laban sa iyo, dahil sa kasamaan ng sangbahayan ni Israel, at ng sangbahayan ni Juda na kanilang ginawa sa ganang kanilang sarili sa pamumungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng paghahandog ng kamangyan kay Baal.

18At binigyan ako ng kaalaman ng Panginoon tungkol doon, at naalaman ko: nang magkagayoy ipinakita mo sa akin ang kanilang mga gawa.

19Ngunit akoy gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan; at hindi ko naalaman na silay nangakakatha na ng mga katha laban sa akin, na nangagsasabi, Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon, at ating ihiwalay siya sa lupain ng buhay, upang ang kaniyang pangalan ay huwag ng maalaala.

20Ngunit, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagkat sa iyo inihayag ko ang aking usap.

21Kayat ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, upang huwag kang mamatay sa aming kamay;

22Kayat ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;

23At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagkat akoy magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid bagay sa taon ng pagdalaw sa kanila.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

Choose Translation

Switch translation for Jeremiah 11.

Reading Settings

Paragraph viewDisplay verses as flowing paragraphs instead of individual lines
Show verse numbersDisplay verse numbers inline
Red letterHighlight the words of Christ in red

Sign in to save your reading preferences across sessions.