Zechariah 8
1 At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Akoy may paninibugho sa Sion ng malaking paninibugho, at akoy may paninibugho sa kaniya ng malaking poot.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon, Akoy nagbalik sa Sion, at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem ay tatawagin, Bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, Ang banal na bundok.
4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem, bawat tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan.
5 At ang mga lansangan ng bayan ay mapupuno ng mga batang lalake at babae na naglalaro sa mga lansangan niyaon.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon, magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran;
8 At aking dadalhin sila, at silay magsisitahan sa gitna ng Jerusalem; at silay magiging aking bayan, at akoy magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran.
9 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Inyong palakasin ang inyong mga kamay, ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng mga propeta, mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, sa templo, upang matayo.
10 Sapagkat bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao, ni anomang upa sa hayop; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway: sapagkat aking inilagay ang lahat na tao na bawat isay laban sa kaniyang kapuwa.
11 Ngunit ngayoy sa nalabi sa bayang ito ay hindi ako magiging gaya ng mga unang araw, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
12 Sapagkat magkakaroon ng binhi ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupay mapapakinabangan, at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito.
13 At mangyayari, na kung paanong kayoy naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, Oh sangbahayan ni Juda, at sangbahayan ni Israel, gayon ko kayo ililigtas, at kayoy magiging isang kapalaran. Huwag kayong mangatakot, kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay.
14 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung paanong inisip kong gawan kayo ng masama, nang mungkahiin ako ng inyong mga magulang sa poot, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at hindi ako nagsisi;
15 Gayon ko uli inisip sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sangbahayan ni Juda: huwag kayong mangatakot.
16 Ito ang mga bagay na inyong gagawin, Magsalita ang bawat isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan;
17 At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagkat ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.
18 At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,
19 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang ayuno sa ikaapat na buwan, at ang ayuno sa ikalima, at ang ayuno sa ikapito, at ang ayuno sa ikasangpu, ay magiging sa sangbahayan, ni Juday kagalakan at kaligayahan, at mga masayang kapistahan; kayat inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan.
20 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangyayari pa, na darating ang mga bansa, at ang nagsisitahan sa maraming bayan;
21 At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa, na magsasabi, Magsiparoon tayong madali, na ating hilingin ang lingap ng Panginoon, at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo; ako man ay paroroon.
22 Oo, maraming bansa at mga matibay na bansa ay magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon.
23 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa mga araw na yaoy mangyayari, na sangpung lalake sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan, sila ngay magsisitangan sa laylayan niya na Judio, na mangagsasabi, Kami ay magsisiyaong kasama mo, sapagkat aming narinig na ang Dios ay kasama mo.