1Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin; sapagkat ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo. Oo, sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako, hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2Akoy dadaing sa Dios na Kataastaasan; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3Siyay magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako, pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah) susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
4Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon: akoy nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy, sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana, at ang kanilang dila ay matalas na tabak.
5Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
6Kanilang hinandaan ng silo ang aking mga hakbang. Ang aking kaluluwa ay nakayuko: silay nagsihukay ng isang lungaw sa harap ko. Silay nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
7Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag: akoy aawit, oo, akoy aawit ng mga pagpuri.
8Gumising ka, kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa: akoy gigising na maaga.
9Akoy magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: akoy aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
10Sapagkat ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit, at ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
11Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.