Luke 6ABTAG

1Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath, ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya, at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay.

2Datapuwat sinabi ng ilan sa mga Fariseo, Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath?

3At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siyay magutom, siya, at ang mga kasamahan niya;

4Kung paanong siyay pumasok sa bahay ng Dios, at kumain ng mga tinapay na handog, at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang?

5At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.

6At nangyari nang ibang sabbath, na siyay pumasok sa sinagoga at nagturo: at dooy may isang lalake, at tuyo ang kaniyang kanang kamay.

7At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siyay magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siyay maisakdal.

8Datapuwat nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siyay nagtindig at tumayo.

9At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?

10At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay.

11Datapuwat silay nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.

12At nangyari nang mga araw na ito, na siyay napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.

13At nang araw na, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad; at siyay humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol:

14Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.

15At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na Masikap,

16At si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;

17At bumaba siya na kasama nila, at tumigil sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit;

18Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling.

19At pinagpipilitan ng buong karamihan na siyay mahipo; sapagkat lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat.

20At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagkat inyo ang kaharian ng Dios.

21Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagkat kayoy bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagkat kayoy magsisitawa.

22Mapapalad kayo kung kayoy kapootan ng mga tao, at kung kayoy ihiwalay nila, at kayoy alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao.

23Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagkat narito, ang ganti sa inyoy malaki sa langit; sapagkat sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.

24Datapuwat sa aba ninyong mayayaman! sapagkat tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.

25Sa aba ninyo mga busog ngayon! sapagkat kayoy mangagugutom. Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon! sapagkat kayoy magsisitaghoy at magsisitangis.

26Sa aba ninyo, pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! sapagkat sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta.

27Datapuwat sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo,

28Pagpalain ninyo ang sa inyoy sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyoy lumalait.

29Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyoy magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika.

30Bigyan mo ang bawat sa iyoy humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli.

31At kung ano ang ibig ninyong sa inyoy gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.

32At kung kayoy magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagkat ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila.

33At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagkat ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.

34At kung kayoy mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.

35Datapuwat ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyoy magiging ganti, at kayoy magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagkat siyay magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.

36Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.

37At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayoy palalayain:

38Mangagbigay kayo, at kayoy bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagkat sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.

39At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay?

40Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwat ang bawat isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro.

41At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwat hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata?

42O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayoy makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.

43Sapagkat walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.

44Sapagkat bawat punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagkat ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan.

45Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang taoy kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.

46At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?

47Ang bawat lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad:

48Siyay tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagkat natitirik na mabuti.

49Datapuwat ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdakay nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

Choose Translation

Switch translation for Luke 6.

Reading Settings

Paragraph viewDisplay verses as flowing paragraphs instead of individual lines
Show verse numbersDisplay verse numbers inline
Red letterHighlight the words of Christ in red

Sign in to save your reading preferences across sessions.