1Bukod ditoy sumagot si Eliu, at nagsabi,
2Dinggin ninyo ang aking mga salita, kayong mga pantas; at pakinggan ninyo ako, ninyong may kaalaman.
3Sapagkat ang pakinig ay tumitikim ng mga salita, gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain.
4Ating piliin sa ganang atin ang matuwid: ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti.
5Sapagkat sinabi ni Job, Akoy matuwid, at inalis ng Dios ang aking katuwiran:
6Gayon may akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling; at ang aking sugat ay walang kagamutan, bagaman akoy walang pagsalangsang.
7Sinong tao ang gaya ni Job, na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig,
8Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan, at lumalakad na kasama ng mga masamang tao?
9Sapagkat kaniyang sinabi, Walang napapakinabang ang tao na siyay makapagpalugod sa Dios.
10Kayat dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa: malayo nawa sa Dios na siyay gumawa ng masama; at sa Makapangyarihan sa lahat, na siyay magkamit ng kasamaan.
11Sapagkat ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya, at ipatatagpo sa bawat tao ang ayon sa kaniyang mga lakad.
12Oo, sa katotohanan, ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan, ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan.
13Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa? O sinong nagayos ng buong sanglibutan?
14Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao, kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga;
15Tanang laman ay mamamatay na magkakasama, at ang tao ay mababalik uli sa alabok.
16Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito: Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita.
17Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran? At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya?
18Siya na nagsabi sa isang hari: ikaw ay hamak? O sa mga mahal na tao: Kayoy masasama?
19Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo, ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap; sapagkat silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay.
20Sa isang sangdali ay nangamamatay sila, kahit sa hating gabi; ang bayan ay inuuga at nawawala, at inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay.
21Sapagkat ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao, at nakikita niya ang lahat niyang pagyaon.
22Walang kadiliman, ni makapal man pangungulimlim, na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan.
23Sapagkat hindi na niya pakukundanganan ang tao, upang siyay humarap sa Dios sa kahatulan.
24Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod, at naglalagay ng mga iba na kahalili nila.
25Kayat siyay kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa; at kaniyang binabaligtad sila sa gabi, na anopat silay nangalilipol.
26Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao sa hayag na paningin ng mga iba,
27Sapagkat silay nagsilihis ng pagsunod sa kaniya, at hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad:
28Na anopat kaniyang pinadating ang daing ng dukha sa kaniya, at dininig niya ang daing ng napipighati.
29Pagka siyay nagbibigay ng katahimikan, sino ngang makahahatol? At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, sinong makakakita sa kaniya? Maging gawin sa isang bansa, o sa isang tao:
30Upang ang taong di banal ay huwag maghari, upang huwag maging silo sa bayan.
31Sapagkat may nagsabi ba sa Dios: Aking tinitiis ang parusa, hindi na ako magkakasala pa:
32Yaong hindi ko nakikita ay ituro mo sa akin: kung akoy nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa?
33Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan? Sapagkat ikaw ang marapat pumili at hindi ako: kayat salitain mo kung ano ang iyong nalalaman.
34Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin, Oo, bawat pantas na taong nakakarinig sa akin:
35Si Job ay nagsasalita ng walang kaalaman. At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan.
36Si Job naway subukin hanggang sa wakas, dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao.
37Sapagkat siyay nagdadagdag ng panghihimagsik sa kaniyang kasalanan, kaniyang pinagagalaw ang kaniyang mga kamay sa gitna natin, at pinararami ang kaniyang mga salita laban sa Dios.