1Mula sa kalaliman, O PANGINOON, ako sa iyo'y dumaing!
2Panginoon, tinig ko'y pakinggan! Mga pandinig mo'y makinig sa tinig ng aking mga karaingan!
3Kung ikaw, PANGINOON, ay magtatala ng mga kasamaan, O Panginoon, sino kayang makakatagal?
4Ngunit sa iyo'y may kapatawaran, upang ikaw ay katakutan.
5Ako'y naghihintay sa PANGINOON, naghihintay ang aking kaluluwa, at sa kanyang salita ako ay umaasa;
6sa PANGINOON ay naghihintay ang aking kaluluwa, higit pa kaysa bantay sa umaga; tunay na higit pa kaysa bantay sa umaga.
7O Israel, umasa ka sa PANGINOON! Sapagkat sa PANGINOON ay may tapat na pagmamahal, at sa kanya ay may saganang katubusan.
8Ang Israel ay tutubusin niya, mula sa lahat niyang pagkakasala.