1Kay iinam ng iyong mga tabernakulo, Oh Panginoon ng mga hukbo!
2Ang kaluluwa koy aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon; ang puso kot laman ay dumadaing sa buhay na Dios.
3Oo, ang maya ay nakasumpong ng bahay, at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay, sa makatuwid bagay iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo, Hari ko, at Dios ko.
4Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay: kanilang pupurihin kang palagi. (Selah)
5Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo; na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal; Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7Silay nagsisiyaon sa kalakasat kalakasan, bawat isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin: pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
9Masdan mo, Oh Dios na aming kalasag, at tingnan mo ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.
10Sapagkat isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo. Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios, kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11Sapagkat ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: ang Panginooy magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12Oh Panginoon ng mga hukbo, mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.