1Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal?
2Oh Dios ko, akoy humihiyaw sa araw, ngunit hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik.
3Ngunit ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel.
4Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: silay nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.
5Silay nagsidaing sa iyo at nangaligtas: silay nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
6Ngunit akoy uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan.
7Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,
8Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:
9Ngunit ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang akoy nasa mga suso ng aking ina.
10Akoy nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.
11Huwag mo akong layuan; sapagkat kabagabagan ay malapit; sapagkat walang tumulong.
12Niligid ako ng maraming toro; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.
13Silay magbubuka sa akin ng kanilang bibig, na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.
14Akoy nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko.
15Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan.
16Sapagkat niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.
17Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
18Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.
19Ngunit huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.
20Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso.
21Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.
22Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
23Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
24Sapagkat hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siyay dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
25Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28Sapagkat ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang puno sa mga bansa.
29Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, sa makatuwid bagay ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31Silay magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran, sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.