Psalms 137ABTAG

1Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, dooy nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion.

2Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa.

3Sapagkat dooy silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi: Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.

4Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain?

5Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem, kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.

6Dumikit nawa ang aking dila sa ngalangala ng aking bibig, kung hindi kita alalahanin; kung hindi ko piliin ang Jerusalem ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.

7Alalahanin mo Oh Panginoon, laban sa mga anak ni Edom ang kaarawan ng Jerusalem; na nagsabi, Sirain, sirain, pati ng patibayan niyaon.

8Oh anak na babae ng Babilonia, na sira; magiging mapalad siya, na gumaganti sa iyo na gaya ng iyong ginawa sa amin.

9Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata sa malaking bato.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

Choose Translation

Switch translation for Psalms 137.

Reading Settings

Paragraph viewDisplay verses as flowing paragraphs instead of individual lines
Show verse numbersDisplay verse numbers inline
Red letterHighlight the words of Christ in red

Sign in to save your reading preferences across sessions.