1Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
2Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
3Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; silay nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
4Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.
5Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!
6Hindi nga ako mapapahiya, pagka akoy nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
7Akoy magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
8Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
9Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11Ang salita moy aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14Akoy nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
15Akoy magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.
16Akoy magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
17Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang akoy mabuhay; sa gayoy aking susundin ang iyong salita.
18Idilat mo ang aking mga mata, upang akoy makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19Akoy nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20Ang puso koy nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagkat iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; ngunit ang lingkod moy nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.
25Ang kaluluwa koy dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
26Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
27Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayoy aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
28Ang kaluluwa koy natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
29Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
30Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan moy inilagay ko sa harap ko.
31Akoy kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
32Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.
33Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.
34Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagkat siya kong kinaaliwan.
36Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.
37Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.
39Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagkat ang mga kahatulan moy mabuti.
40Narito, akoy nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
41Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid bagay ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
42Sa gayoy magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagkat akoy tumitiwala sa iyong salita.
43At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagkat akoy umasa sa iyong mga kahatulan.
44Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.
45At lalakad ako sa kalayaan; sapagkat aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
46Ako namay magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya.
47At akoy maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig.
48Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at akoy magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
49Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na dooy iyong pinaasa ako.
50Itoy aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagkat binuhay ako ng iyong salita.
51Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon may hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
52Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at akoy nagaliw sa sarili.
53Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
54Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan.
55Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.
56Ito ang tinamo ko, sapagkat aking iningatan ang mga tuntunin mo.
57Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59Akoy nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60Akoy nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.
61Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; ngunit hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63Akoy kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
65Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
66Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagkat akoy sumampalataya sa iyong mga utos.
67Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; ngunit ngayoy tinutupad ko ang iyong salita.
68Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; ngunit akoy naaaliw sa iyong kautusan.
71Mabuti sa akin na akoy napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.
73Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
74Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagkat akoy umasa sa iyong salita;
75Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
76Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
77Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang akoy mabuhay: sapagkat ang kautusan moy aking kaaliwan.
78Mahiya ang palalo; sapagkat dinaig nila ako ng walang kadahilanan: ngunit akoy magbubulay sa iyong mga tuntunin.
79Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
80Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya.
81Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: ngunit umaasa ako sa iyong salita.
82Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
83Sapagkat akoy naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon may hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
84Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
85Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
86Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako.
87Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; ngunit hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
88Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayoy aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
89Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.
90Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng salit saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi.
91Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagkat lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
92Kundi ang kautusan moy naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
93Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagkat sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
94Akoy iyo, iligtas mo ako, sapagkat aking hinanap ang mga tuntunin mo,
95Inabatan ako ng masama upang akoy patayin; ngunit aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
96Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; ngunit ang utos moy totoong malawak.
97Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.
98Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagkat mga laging sumasa akin.
99Akoy may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagkat ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100Akoy nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagkat aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.
102Akoy hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagkat iyong tinuruan ako.
103Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kayat aking ipinagtatanim ang bawat lakad na sinungaling.
105Ang salita moy ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
106Akoy sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107Akoy nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109Ang kaluluwa koy laging nasa aking kamay; gayon may hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon may hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111Ang mga patotoo moy inari kong pinakamana magpakailanman; sapagkat sila ang kagalakan ng aking puso.
112Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid bagay hanggang sa wakas.
113Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; ngunit ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: akoy umaasa sa iyong salita.
115Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang akoy mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa.
117Alalayan mo ako, at akoy maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagkat ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kayat iniibig ko ang mga patotoo mo.
120Ang laman koy nanginginig dahil sa takot sa iyo; at akoy takot sa iyong mga kahatulan.
121Akoy gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita.
124Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125Akoy lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagkat kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127Kayat aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128Kayat aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawat sinungaling na lakad.
129Ang mga patotoo moy kagilagilalas; kayat silay iniingatan ng aking kaluluwa.
130Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
131Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at akoy nagbuntong-hininga; sapagkat aking pinanabikan ang mga utos mo.
132Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
133Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.
134Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayoy aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
135Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
136Ang mga mata koy nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagkat hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
137Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.
138Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.
139Tinunaw ako ng aking sikap, sapagkat kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
140Ang salita moy totoong malinis; kayat iniibig ito ng iyong lingkod.
141Akoy maliit at hinahamak: gayon may hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
142Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan moy katotohanan.
143Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon may ang mga utos moy aking kaaliwan.
144Ang mga patotoo moy matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
145Akoy tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
146Akoy tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo.
147Akoy nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: akoy umasa sa iyong mga salita.
148Ang mga mata koy nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo.
149Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
150Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; silay malayo sa iyong kautusan.
151Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan.
152Nang unay nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.
153Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagkat hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan.
154Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagkat hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon may hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at akoy namanglaw; sapagkat hindi nila sinusunod ang salita mo.
159Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawat isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
161Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; ngunit ang puso koy nanginginig sa iyong mga salita.
162Akoy nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; ngunit ang kautusan moy aking iniibig.
164Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At silay walang kadahilanang ikatitisod.
166Akoy umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo.
167Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam,
168Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagkat lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
169Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagkat itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagkat lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagkat aking pinili ang iyong mga tuntunin.
174Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176Akoy naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagkat hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.