Psalms 102
1 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; sa araw na akoy tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 Sapagkat ang mga kaarawan koy nangapapawi na parang usok, at ang mga buto koy nangasusunog na parang panggatong.
4 Ang puso koy nasaktan na parang damo, at natuyo; sapagkat nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5 Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto koy nagsisidikit sa aking laman.
6 Akoy parang pelikano sa ilang; akoy naging parang kuwago sa kaparangan.
7 Akoy umaabang, at akoy naging parang maya na nagiisa sa bubungan.
8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9 Sapagkat kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak.
10 Dahil sa iyong galit at iyong poot: sapagkat akoy iyong itinaas, at inihagis.
11 Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling; at akoy natuyo na parang damo.
12 Ngunit ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng salit saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagkat kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating.
14 Sapagkat nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato, at nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15 Sa gayoy katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16 Sapagkat itinayo ng Panginoon ang Sion, siyay napakita sa kaniyang kaluwalhatian;
17 Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18 Itoy isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19 Sapagkat siyay tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo: upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22 Nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan; kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan; ang mga taon moy lampas sa mga salit saling lahi.
25 Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 Silay uuwi sa wala, ngunit ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at silay mga mapapalitan:
27 Ngunit ikaw rin, at ang mga taon moy hindi magkakawakas.
28 Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi, at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.