1Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:
2Sapagkat karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.
3Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso:
4Sa gayoy makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao.
5Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
6Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
7Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:
8Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto.
9Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani:
10Sa gayoy mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak.
11Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway:
12Sapagkat sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
13Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.
14Sapagkat ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.
15Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya,
16Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan.
17Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan.
18Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawat isa na nangamamalagi sa kaniya.
19Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.
20Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog.
21Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan;
22Sa gayoy magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, at biyaya sa iyong leeg.
23Kung magkagayoy lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, at ang iyong paa ay hindi matitisod.
24Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing.
25Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating:
26Sapagkat ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.
27Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na itoy gawin.
28Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay magbibigay ako; pagka ikaw ay mayroon.
29Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa, na palibhasat tumatahang tiwasay sa siping mo.
30Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo.
31Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad.
32Sapagkat ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: ngunit ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid.
33Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; ngunit pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.
34Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, ngunit binibigyan niya ng biyaya ang mababa.
35Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; ngunit kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.