Nehemiah 2
1 At nangyari sa buwan ng Nisan, sa ikadalawang pung taon ni Artajerjes na hari, nang ang alak ay nasa harap niya, na aking kinuha ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi nga ako nalungkot nang una sa kaniyang harapan.
2 At sinabi ng hari sa akin, Bakit ang iyong mukha ay malungkot, dangang wala kang sakit? itoy dili iba kundi kalungkutan ng puso. Nang magkagayoy natakot akong mainam.
3 At sinabi ko sa hari, Mabuhay ang hari magpakailan man: bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot, kung ang bayan, ang dako ng mga libingan sa aking mga magulang ay giniba, at ang mga pintuang-bayan niyaon ay nasupukan ng apoy?
4 Nang magkagayoy sinabi ng hari sa akin, Ano ang iyong hinihiling? Sa gayoy dumalangin ako sa Dios ng langit.
5 At nagsabi ako sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng libingan sa aking mga magulang, upang aking maitayo.
6 At ang hari ay nagsabi sa akin, (ang reina ay nakaupo naman sa siping niya,) Magiging gaano kalaon ang iyong paglalakbay? at kailan ka babalik? Sa gayoy nalugod ang hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kaniya ng panahon.
7 Bukod ditoy sinabi ko sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, bigyan ako ng mga sulat sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, upang akoy kanilang paraanin hanggang sa akoy dumating sa Juda;
8 At isang sulat kay Asaph na tagapagingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga kahoy na magawang mga tahilan sa mga pintuang-daan ng kastillo na nauukol sa bahay, at sa kuta ng bayan at sa bahay na aking papasukan. At pinagkalooban ako ng hari ayon sa mabuting kamay ng aking Dios na sumasa akin.
9 Nang magkagayoy pumaroon ako sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Sinugo nga ako ng hari na may kasamang mga punong kawal ng hukbo at mga mangangabayo.
10 At nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, ay namanlaw na mainam, sapagkat may naparoong isang lalake upang hanapin ang ikagagaling ng mga anak ni Israel.
11 Sa gayoy naparoon ako sa Jerusalem, at dumoon akong tatlong araw.
12 At akoy bumangon sa kinagabihan, ako, at ilang lalake na kasama ko; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem: wala rin namang anomang hayop na kasama ako, liban sa hayop na aking sinasakyan.
13 At akoy lumabas ng kinagabihan sa pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid bagay sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy.
14 Nang magkagayoy nagpatuloy ako sa pintuang-bayan ng bukal at sa tangke ng hari: ngunit walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko.
15 Nang magkagayoy namaybay ako ng kinagabihan sa batis, at aking minasdan ang kuta; at akoy bumalik, at pumasok sa pintuang-bayan ng libis, at sa gayoy pumihit ako.
16 At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain.
17 Nang magkagayoy sinabi ko sa kanila, Inyong nakikita ang masamang kalagayan na kinaroroonan natin, kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuang-bayan nito ay nasunog sa apoy: kayoy parito, at ating itayo ang kuta ng Jerusalem, upang tayoy huwag nang maging kadustaan.
18 At isinaysay ko sa kanila ang kamay ng aking Dios na naging mabuti sa akin, at gayon din ang mga salita ng hari na sinalita niya sa akin. At kanilang sinabi, Magbangon tayo at magtayo. Sa gayoy kanilang pinalakas ang kanilang mga kamay sa mabuting gawa.
19 Ngunit nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, at ni Gesem na taga Arabia, ay kanilang tinawanang mainam kami, at hinamak kami, at sinabi, Ano itong bagay na inyong ginagawa? manghihimagsik ba kayo laban sa hari?
20 Nang magkagayoy sumagot ako sa kanila, at sinabi ko sa kanila, Ang Dios ng langit, siya ang magpapaginhawa sa amin: kayat kaming kaniyang mga lingkod ay magbabangon at magtatayo: ngunit kayoy walang bahagi, o matuwid man, o alaala man, sa Jerusalem.