Mark 4
1 At siyay muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pat siyay lumulan sa isang daong, at siyay naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat.
2 At silay tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo,
3 Pakinggan ninyo: Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik:
4 At nangyari, sa kaniyang paghahasik, na ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan, at nagsidating ang mga ibon at kinain ito.
5 At ang mga ibay nangahulog sa batuhan, na dooy walang maraming lupa; at pagdakay sumibol, sapagkat hindi malalim ang lupa:
6 At nang sumikat ang araw, ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.
7 At ang mga ibay nangahulog sa dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga pananim, at itoy hindi nangamunga.
8 At ang mga ibay nangahulog sa mabuting lupa, at nangamunga, na nagsitaas at nagsilago; at may namunga ng tigtatatlongpu, at tiganim na pu, at tigisang daan.
9 At sinabi niya, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
10 At nang siyay magisa na, ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga.
11 At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwat sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:
12 Upang kung magsitingin silay mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig silay mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling silay mangagbalikloob, at patawarin sila.
13 At sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nalalaman ang talinghagang ito? at paanong malalaman ninyo ang lahat ng mga talinghaga?
14 Ang manghahasik ay naghahasik ng salita.
15 At ang mga itoy yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdakay pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila.
16 At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdakay nagsisitanggap na may galak;
17 At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kayat pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdakay nangatisod sila.
18 At ang mga ibay yaong nangahasik sa dawagan; ang mga itoy yaong nangakinig ng salita,
19 At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at itoy nagiging walang bunga.
20 At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan.
21 At sinabi niya sa kanila, Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan, o sa ilalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw?
22 Sapagkat walang anomang bagay na natatago, kundi upang mahayag; ni nalilihim, kundi yaoy upang mapasa liwanag.
23 Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
24 At sinabi niya sa kanila, Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan: sa panukat na inyong isinusukat ay kayoy susukatin; at higit pa ang sa inyoy ibibigay.
25 Sapagkat ang mayroon, ay bibigyan pa; at ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya.
26 At sinabi niya, Ganyan ang kaharian ng Dios, na gaya ng isang taong naghahasik ng binhi sa lupa;
27 At natutulog at nagbabangon sa gabi at araw, at sumisibol at lumalaki ang binhi na di niya nalalaman kung paano.
28 Sa kaniyang sarili ay nagbubunga ang lupa; una-unay usbong, saka uhay, pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay.
29 Datapuwat pagka hinog na ang bunga, ay ginagamit agad ang panggapas, sapagkat dumating na ang pagaani.
30 At kaniyang sinabi, Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Dios? o sa anong talinghaga isasaysay natin ito?
31 Itoy tulad sa butil ng binhi ng mostasa, na pagkahasik sa lupa, bagamat siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasa lupa,
32 Gayon may pagkatanim, ay tumataas, at lumalaki ng higit kay sa lahat ng mga gulay, at nagsasanga ng malalabay; ano pat ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim.
33 At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita, ayon sa makakaya ng kanilang pakinig;
34 At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga: datapuwat sa kaniyang sariling mga alagad ay bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay.
35 At nang araw ding yaon, nang gabi na, ay sinabi niya sa kanila, Tumawid tayo sa kabilang ibayo.
36 At pagkaiwan sa karamihan, ay kanilang dinala siya sa daong, ayon sa kaniyang kalagayan. At mayroon siyang kasamang ibang mga daong.
37 At nagbangon ang isang malakas na bagyo, at sinasalpukan ang daong ng mga alon, na ano pat ang daong ay halos natitigib.
38 At siyay natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson; at siyay ginising nila, at sinabi sa kaniya, Guro, wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo?
39 At gumising siya, at sinaway ang hangin, at sinabi sa dagat, Pumayapa, tumahimik ka. At humimpil ang hangin, at humusay na totoo ang panahon,
40 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo nangatakot? wala pa baga kayong pananampalataya?
41 At silay nangatakot na lubha, at sila-silay nangagsasabihan, Sino nga ito, na pati ng hangin at ng dagat ay tumatalima sa kaniya?