1At tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.
2At silay sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng mga may sakit.
3At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad, kahit tungkod, kahit supot ng ulam, kahit tinapay, kahit salapi; at kahit magkaroon ng dalawang tunika.
4At sa anomang bahay na inyong pasukin, doon kayo mangatira, at buhat dooy magsialis kayo.
5At ang lahat na di magsitanggap sa inyo sa bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa, na pinaka patotoo laban sa kanila.
6At silay nagsialis, at nagsiparoon sa lahat ng mga nayon, na ipinangangaral ang evangelio, at nagpapagaling saat saan man.
7Nabalitaan nga ni Herodes na tetrarka ang lahat na ginawa; at siyay totoong natitilihan, sapagkat sinasabi ng ilan, na si Juan ay muling ibinangon sa mga patay;
8At ng ilan, na si Elias ay lumitaw; at ng mga iba, na isa sa mga datihang propeta ay muling ibinangon.
9At sinabi ni Herodes, Pinugutan ko ng ulo si Juan: datapuwat sino nga ito, na tungkol sa kaniyay nababalitaan ko ang gayong bagay? At pinagsisikapan niyang siyay makita.
10At nang magsibalik ang mga apostol, ay isinaysay nila sa kaniya kung anong mga bagay ang kanilang ginawa. At silay isinama niya, at lumigpit na bukod sa isang bayan na tinatawag na Betsaida.
11Datapuwat nang maalaman ng mga karamihan ay nagsisunod sa kaniya: at silay tinanggap niyang may galak at sinasalita sa kanila ang tungkol sa kaharian ng Dios, at pinagagaling niya ang nangagkakailangang gamutin.
12At nagpasimulang kumiling ang araw; at nagsilapit ang labingdalawa, at nangagsabi sa kaniya, Paalisin mo ang karamihan, upang silay magsiparoon sa mga nayon at sa mga lupaing nasa palibotlibot, at mangakapanuluyan, at mangakakuha ng pagkain: sapagkat tayoy nangarito sa isang ilang na dako.
13Datapuwat sinabi niya sa kanila, Bigyan ninyo sila ng makakain. At sinabi nila, Wala tayo kundi limang tinapay at dalawang isda; malibang kamiy magsiyaon at ibili ng pagkain ang lahat ng mga taong ito.
14Sapagkat silay may limang libong lalake. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Paupuin ninyo sila ng pulupulutong, na may tiglilimangpu bawat isa.
15At gayon ang ginawa nila, at pinaupo silang lahat.
16At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa harap ng karamihan.
17At silay nagsikain, at nangabusog ang lahat: at ang lumabis sa kanila na mga pinagputolputol ay pinulot na labingdalawang bakol.
18At nangyari, nang siyay nananalangin ng bukod, na ang mga alagad ay kasama niya: at tinanong niya sila, na sinasabi, Ano ang sinasabi ng karamihan kung sino ako?
19At pagsagot nilay nangagsabi, Si Juan Bautista; datapuwat sinasabi ng mga iba, Si Elias; at sinasabi ng mga iba na isa sa mga datihang propeta ay muling nagbangon.
20At sinabi niya sa kanila, Datapuwat, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At pagsagot ni Pedro, ay nagsabi, Ang Cristo ng Dios.
21Datapuwat ipinagbilin niya, at ipinagutos sa kanila na huwag sabihin ito sa kanino mang tao;
22Na sinasabi, Kinakailangang magbata ng maraming mga bagay ang Anak ng tao, at itakuwil ng matatanda at ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.
23At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
24Sapagkat ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwat sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon.
25Sapagkat ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili?
26Sapagkat ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ay ikahihiya siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.
27Datapuwat katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa mangakita nila ang kaharian ng Dios.
28At nangyari, nang makaraan ang may mga walong araw pagkatapos ng mga pananalitang ito, na isinama niya si Pedro at si Juan at si Santiago, at umahon sa bundok upang manalangin.
29At samantalang siyay nananalangin, ay nagbago ang anyo ng kaniyang mukha, at ang kaniyang damit ay pumuti, at nakasisilaw.
30At narito, dalawang lalake ay nakikipagusap sa kaniya, na ang mga itoy si Moises at si Elias;
31Na napakitang may kaluwalhatian, at nangaguusapan ng tungkol sa kaniyang pagkamatay na malapit niyang ganapin sa Jerusalem.
32Si Pedro nga at ang kaniyang mga kasamahan ay nangagaantok: datapuwat nang silay mangagising na totoo ay nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nangakatayong kasama niya.
33At nangyari, samantalang silay nagsisihiwalay sa kaniya, ay sinabi ni Pedro kay Jesus, Guro, mabuti sa atin ang tayoy dumito: at magsigawa tayo ng tatlong dampa; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias: na hindi nalalaman ang kaniyang sinasabi.
34At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay dumating ang isang alapaap, at silay naliliman: at silay nangatakot nang silay mangapasok sa alapaap.
35At may tinig na nanggaling sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang aking Anak, ang aking hirang: siya ang inyong pakinggan.
36At nang dumating ang tinig, si Jesus ay nasumpungang nagiisa. At silay di nagsisiimik, at nang mga araw na yaoy hindi nila sinabi kanino mang tao ang alin man sa mga bagay na kanilang nakita.
37At nangyari nang kinabukasan, nang pagbaba nila mula sa bundok, ay sinalubong siya ng lubhang maraming tao.
38At narito, isang lalake sa karamihan, ay sumigaw na nagsasabi, Guro, ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake; sapagkat siyay aking bugtong na anak;
39At narito, inaalihan siya ng isang espiritu, at siyay biglang nagsisigaw; at siyay nililiglig, na pinabubula ang bibig, at bahagya nang siyay hiwalayan, na siyay totoong pinasasakitan.
40At ipinamanhik ko sa iyong mga alagad na palabasin siya; at hindi nila magawa.
41At sumagot si Jesus at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan makikisama ako sa inyo at magtitiis sa inyo? dalhin mo rito ang anak mo.
42At samantalang siyay lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwat pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama.
43At nangagtaka silang lahat sa karangalan ng Dios. Datapuwat samantalang ang lahat ay nagsisipanggilalas sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
44Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito: sapagkat ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.
45Datapuwat hindi nila napaguunawa ang sabing ito, at sa kanilay nalilingid, upang itoy huwag mapagunawa; at nangatatakot silang magsipagtanong sa kaniya ng tungkol sa sabing ito.
46At nagkaroon ng isang pagmamatuwiran sa gitna nila kung sino kaya sa kanila ang pinakadakila.
47Datapuwat pagkaunawa ni Jesus sa pangangatuwiran ng kanilang puso, ay kumuha siya ng isang maliit na bata, at inilagay sa kaniyang siping,
48At sinabi sa kanila, Ang sinomang tumanggap sa maliit na batang ito sa pangalan ko, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay tinatanggap ang nagsugo sa akin: sapagkat ang pinaka maliit sa inyong lahat, ay siyang dakila.
49At sumagot si Juan at sinabi, Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng mga demonio sa pangalan mo; at aming pinagbawalan siya, sapagkat siyay hindi sumasama sa atin.
50Datapuwat sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagkat ang hindi laban sa inyo, ay sumasa inyo.
51At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siyay tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem,
52At nagsugo ng mga sugo sa unahan ng kaniyang mukha: at nagsiyaon sila, at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano upang siyay ipaghanda.
53At hindi nila siya tinanggap, sapagkat ang mukha niyay anyong patungo sa Jerusalem.
54At nang makita ito ng mga alagad niyang si Santiago at si Juan, ay nangagsabi, Panginoon, ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit, at silay pugnawin?
55Datapuwat, lumingon siya, at silay pinagwikaan.
56At silay nagsiparoon sa ibang nayon.
57At paglakad nila sa daan ay may nagsabi sa kaniya, Susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.
58At sinabi sa kaniya ni Jesus, May mga lungga ang mga sorra, at ang mga ibon sa langit ay may mga pugad; datapuwat ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo.
59At sinabi niya sa iba, Sumunod ka sa akin. Datapuwat siyay nagsabi, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.
60Datapuwat sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay; datapuwat yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios.
61At ang iba namay nagsabi, Susunod ako sa iyo, Panginoon; datapuwat pabayaan mo akong magpaalam muna sa mga kasangbahay ko.
62Datapuwat sinabi sa kaniya ni Jesus, Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Dios.