Luke 24ABTAG

1Datapuwat nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda.

2At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.

3At silay nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.

4At nangyari, na samantalang silay nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit:

5At nang silay nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay?

6Wala siya rito, datapuwat nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siyay nasa Galilea pa,

7Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw.

8At naalaala nila ang kaniyang mga salita,

9At nagsibalik mula sa libingan, at ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labingisa, at sa lahat ng mga iba pa.

10Sila ngay si Maria Magdalena, si Juana, at si Mariang ina ni Santiago: at iba pang mga babaing kasama nila ang nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol.

11At ang mga salitang itoy inakala nilang walang kabuluhan; at hindi nila pinaniwalaan.

12Datapuwat nagtindig si Pedro, at tumakbo sa libingan; at nang siyay tumungo pagtingin niya sa loob, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon.

13At narito, dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngalay Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem.

14At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari.

15At nangyari, na samantalang silay naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila.

16Datapuwat sa mga mata nilay may nakatatakip upang siyay huwag nilang makilala.

17At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At silay nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha.

18At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw bagay nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na dooy nangyari nang mga araw na ito?

19At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan:

20At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siyay ipako sa krus.

21Datapuwat hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.

22Bukod sa rito iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong maaga sa libingan, ay nakapagtaka sa amin;

23At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila namay nakakita ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siyay buhay.

24At nagsiparoon sa libingan ang ilang kasama namin, at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwat siyay hindi nila nakita.

25At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta!

26Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?

27At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.

28At silay malapit na sa nayong kanilang paroroonan: at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo.

29At siyay kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagkat gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila.

30At nangyari, nang siyay nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at itoy pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.

31At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siyay nakilala nila; at siyay nawala sa kanilang mga paningin.

32At sila-silay nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayoy kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?

33At silay nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at ang kanilang mga kasama.

34Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at napakita kay Simon,

35At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at kung paanong siyay nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay.

36At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanilay nagsabi, Kapayapaay suma inyo.

37Datapuwat silay kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.

38At sinabi niya sa kanila, Bakit kayoy nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?

39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagkat ang isang espirituy walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

40At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.

41At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain?

42At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw.

43At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.

44At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang akoy sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.

45Nang magkagayoy binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;

46At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;

47At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.

48Kayoy mga saksi ng mga bagay na ito.

49At narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwat magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayoy masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.

50At kaniyang dinala sila sa labas hanggang sa tapat ng Betania: at itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at silay binasbasan.

51At nangyari, na samantalang silay binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.

52At siyay sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak:

53At palaging silay nasa templo, na nangagpupuri sa Dios.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

Choose Translation

Switch translation for Luke 24.

Reading Settings

Paragraph viewDisplay verses as flowing paragraphs instead of individual lines
Show verse numbersDisplay verse numbers inline
Red letterHighlight the words of Christ in red

Sign in to save your reading preferences across sessions.