1Nang magkagayoy nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.
2At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siyay sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol akoy sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig.
3Sapagkat inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
4At aking sinabi, Akoy nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon may titingin ako uli sa iyong banal na templo.
5Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
6Akoy bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
7Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan.
9Ngunit akoy maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasay sa Panginoon.
10At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.