1Nang magkagayoy sumagot si Job, at nagsabi,
2Sa katotohanan ay nalalaman kong itoy gayon: ngunit paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
3Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siyay hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
4Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
5Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
6Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
7Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
8Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat.
9Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan.
10Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11Narito, siyay dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siyay nagpapatuloy rin naman, ngunit hindi ko siya namamataan.
12Narito, siyay nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15Na kahiman akoy matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; akoy mamamanhik sa aking hukom.
16Kung akoy tumawag, at siyay sumagot sa akin; gayon may hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
17Sapagkat akoy ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan.
18Hindi niya ako tutulutang akoy huminga, ngunit nililipos niya ako ng hirap.
19Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siyay may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
20Kahiman akoy matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman akoy sakdal patototohanan niya akong masama.
21Akoy sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
22Lahat ay isa; kayat aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama.
23Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
24Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?
25Ngayoy ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
26Silay nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.
27Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:
28Akoy natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
29Akoy mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
30Kung akoy maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
31Gayon may itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
32Sapagkat siyay hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayoy pumasok kapuwa sa kahatulan,
33Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa.
34Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35Kung magkagayoy magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagkat hindi gayon ako sa aking sarili.