1Ang hula tungkol sa Moab. Sapagkat sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba, at nawalan ng kabuluhan; sapagkat sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab, at nawalan ng kabuluhan.
2Siyay umahon sa Bayith, at sa Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa Nebo, at sa Medeba: lahat nilang ulo ay kalbo, bawat balbas ay gupit.
3Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawat isa, na umiiyak ng di kawasa.
4At ang Hesbon ay humihiyaw, at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jahas: kayat ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan.
5Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, sa Eglat-selisiyah: sapagkat sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagkat sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan.
6Sapagkat ang tubig ng Nimrim ay natuyo, sapagkat ang damo ay natuyo, ang sariwang damo ay nalalanta, walang sariwang bagay.
7Kayat ang kasaganaan na kanilang tinamo, at ang kanilang tinipon, ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce.
8Sapagkat ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim, at ang angal niya ay hanggang sa Beer-elim.
9Sapagkat ang tubig ng Dimon ay nahaluan ng dugo: sapagkat magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang leon na nakatanan sa Moab, at sa nalabi sa lupain.