1Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.
2Sapagkat sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan.
3Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag sa pamamagitan ng salita ng Dios, ano pat ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita.
4Sa pananampalataya si Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nitoy sinaksihan sa kaniyang siyay matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.
5Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagkat siyay inilipat ng Dios: sapagkat bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siyay naging kalugodlugod sa Dios:
6At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagkat ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniyay nagsisihanap.
7Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya.
8Sa pananampalataya si Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siyay yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon.
9Sa pananampalataya siyay naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya:
10Sapagkat inaasahan niya ang bayang may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at gumawa ay ang Dios.
11Sa pananampalataya si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasay inari niyang tapat ang nangako:
12Kaya naman sumibol sa isa, sa kaniya na tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat.
13Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, ngunit kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na silay pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.
14Sapagkat ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili.
15At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik.
16Ngunit ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid bagay ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagkat kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.
17Sa pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay inihandog si Isaac: oo, siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak;
18Sa makatuwid bagay yaong pinagsabihan, Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi:
19Na inisip na maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang halimbawa.
20Sa pananampalatayay binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau, tungkol sa mga bagay na darating.
21Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay binasbasan niya ang bawat isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod.
22Sa pananampalataya, nang malapit nang mamatay si Jose, ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto.
23Sa pananampalataya, nang ipanganak si Moises, ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang, sapagkat kanilang nakitang maganda ang bata; at hindi sila natakot sa utos ng hari.
24Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siyay tawaging anak ng anak na babae ni Faraon;
25Na pinili pa ang siyay tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala;
26Na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagkat ang kaniyang tinititigan ay ang gantingpalang kabayaran.
27Sa pananampalatayay iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagkat nagtitiyagang tulad sa nakakita niyaong di nakikita.
28Sa pananampalatayay itinatag niya ang paskua, at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin.
29Sa pananampalatayay nagsipagdaan sila sa gitna ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo: na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod.
30Sa pananampalatayay nangalagpak ang mga kuta ng Jerico, pagkatapos na makubkob na pitong araw.
31Sa pananampalatayay hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik.
32At ano pa ang aking sasabihin? sapagkat kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang tungkol kay Gideon, kay Barac, kay Samson, kay Jefte; tungkol kay David, at kay Samuel at sa mga propeta:
33Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalatayay nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, nangagtamo ng mga pangako, nangagtikom ng mga bibig ng mga leon,
34Nagsipatay ng bisa ng apoy, nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa.
35Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli: at ang ibay nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli:
36At ang ibay nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod ditoy sa mga tanikala at bilangguan naman:
37Silay pinagbabato, pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: silay nagsilakad na paroot parito na may balat ng mga tupat kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan;
38(Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa.
39At ang lahat ng mga ito, nang silay mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako,
40Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang silay huwag maging sakdal ng bukod sa atin.