1Ngunit sinasabi ko na samantalang ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagamat siyay panginoon ng lahat;
2Datapuwat nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama.
3Gayon din naman tayo, nang tayoy mga bata pa, tayoy nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan.
4Datapuwat nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan,
5Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.
6At sapagkat kayoy mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.
7Ano pat hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.
8Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayoy nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios:
9Datapuwat ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayoy nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yaoy ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?
10Ipinangingilin ninyo ang mga araw, at mga buwan, at mga panahon, at mga taon.
11Akoy natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan.
12Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayoy mangagsitulad sa akin, sapagkat akoy katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan.
13Datapuwat nalalaman ninyo na dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio nang pasimula:
14At yaong sa inyoy isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi akoy tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, tulad kay Cristo Jesus.
15Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagkat pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin.
16Kaya nga ako bagay naging kaaway ninyo, sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?
17May nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala; subalit, ang ibig nila ay ihiwalay kayo, upang ipagmalasakit ninyo sila.
18Datapuwat mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon, at hindi lamang samantalang akoy kaharap ninyo.
19Maliliit kong mga anak, na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha sa inyo.
20Datapuwat, ibig kong makaharap ninyo ako ngayon, at baguhin ang aking tinig; sapagkat akoy nagaalinlangan tungkol sa inyo.
21Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan, hindi baga ninyo naririnig ang kautusan?
22Sapagkat nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, ang isay sa aliping babae, at ang isay sa babaing malaya.
23Gayon man ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; ngunit ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako.
24Ang mga bagay na itoy may lamang talinghaga: sapagkat ang mga babaing itoy dalawang tipan; ang isay mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin, na itoy si Agar.
25Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at itoy katulad ng Jerusalem ngayon: sapagkat itoy nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
26Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.
27Sapagkat nasusulat, Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak; Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak: Sapagkat higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa.
28At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay mga anak sa pangako.
29Datapuwat kung papaanong yaong ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu, ay gayon din naman ngayon.
30Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagkat hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.
31Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.