Ezekiel 28
1 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagkat ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Akoy dios, akoy nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios;
3 Narito, ikaw ay lalong marunong kay Daniel; walang lihim na malilihim sa iyo;
4 Sa pamamagitan ng iyong karunungan, at ng iyong unawa, nagkaroon ka ng mga kayamanan, at nagkaroon ka ng ginto at pilak sa iyong mga ingatang-yaman;
5 Sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan at ng iyong pangangalakal ay napalago mo ang iyong mga kayamanan, at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan;
6 Kayat ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagkat iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios,
7 Kayat narito, akoy magdadala ng mga taga ibang lupa sa iyo, na kakilakilabot sa mga bansa; at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan, at kanilang dudumhan ang iyong kaningningan.
8 Kanilang ibababa ka sa hukay; at ikaw ay mamamatay ng kamatayan niyaong nangapatay sa kalagitnaan ng mga dagat.
9 Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Akoy Dios? ngunit ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo.
10 Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay ng mga hindi tuli sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: sapagkat ako ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios.
11 Bukod ditoy ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
12 Anak ng tao, panaghuyan mo ang hari sa Tiro, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, iyong tinatatakan ang kabuoan, na puno ng karunungan, at sakdal sa kagandahan.
13 Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.
14 Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopat ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga.
15 Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.
16 Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kayat inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga.
17 Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka.
18 Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan, sa kalikuan ng iyong pangangalakal, iyong nilapastangan ang iyong mga santuario: kayat akoy naglabas ng apoy sa gitna mo; sinupok ka, at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo.
19 Silang lahat na nangakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan, mangatitigilan dahil sa iyo: ikaw ay naging kakilakilabot, at ikaw ay hindi na mabubuhay pa.
20 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
21 Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa Sidon, at manghula ka laban doon,
22 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, akoy laban sa iyo, Oh Sidon; at akoy luluwalhati sa gitna mo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka akoy naglapat ng kahatulan sa kaniya, at aariing banal sa kaniya.
23 Sapagkat akoy magpaparating sa kaniya ng salot at dugo sa kaniyang mga lansangan; at ang mga may sugat ay mangabubuwal sa gitna niya, sa pamamagitan ng tabak, na nakaumang sa kaniya sa lahat ng dako; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
24 At hindi na magkakaroon pa ng dawag na nakakasalubsob sa sangbahayan ni Israel, o ng tinik mang mapangpahirap sa alin man sa nangasa palibot niya, na nagwalang kabuluhan sa kanila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios.
25 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka aking napisan ang sangbahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan, at akoy aariing banal sa kanila sa paningin ng mga bansa, sila ngay magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na kay Jacob.
26 At silay magsisitahang tiwasay roon, oo, silay mangagtatayo ng mga bahay, at mag-uubasan, at tatahang tiwasay, pagka akoy nakapaglapat ng mga kahatulan sa lahat na nangagwawalang kabuluhan sa palibot nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios.