Ezekiel 22ABTAG

1Bukod ditoy ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

2At Ikaw, anak ng tao, hahatulan mo baga, hahatulan mo baga ang bayang mabagsik? ipakilala mo nga sa kaniya ang lahat niyang kasuklamsuklam.

3At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bayang nagbububo ng dugo sa gitna niya, na ang kaniyang panahon ay darating, at gumagawa ng mga diosdiosan laban sa kaniyang sarili, upang mapahamak siya!

4Ikaw ay naging salarin dahil sa iyong dugo na iyong ibinubo, at ikaw ay napahamak sa iyong mga diosdiosan na iyong ginawa; at iyong pinalapit ang iyong mga kaarawan, at ikaw ay dumating hanggang sa iyong mga taon; kayat ginawa kitang isang kapulaan sa mga bansa, at isang katuyaan sa lahat na lupain.

5Yaong mga malapit, at yaong mga malayo, ay magsisituya sa iyo, ikaw na napahamak at puno ng kagulo.

6Narito, ang mga prinsipe sa Israel, na bawat isay ayon sa kaniyang kapangyarihan, napasa iyo upang magbubo ng dugo.

7Sa iyoy kanilang niwalang kabuluhan ang amat ina; sa gitna mo ay pinahirapan nila ang taga ibang lupa; sa iyoy kanilang pinighati ang ulila at ang babaing bao.

8Iyong hinamak ang aking mga banal na bagay, at iyong nilapastangan ang aking mga sabbath.

9Mga maninirang puri ay napasa iyo upang magbubo ng dugo: at sa iyoy nagsikain sila sa mga bundok: sa gitna mo ay nagkasala sila ng kahalayan.

10Sa iyoy kanilang inilitaw ang kahubaran ng kanilang mga magulang; sa iyoy pinapakumbaba niya siya na marumi sa kaniyang pagkahiwalay.

11At ang isay gumawa ng kasuklamsuklam sa asawa ng kaniyang kapuwa; at ang isay gumawa ng kahalayhalay sa kaniyang manugang na babae; at sa iyoy sinipingan ng isa ang kaniyang kapatid na babae na anak ng kaniyang ama.

12Sa iyo ay nagsitanggap sila ng suhol upang magbubo ng dugo; ikaw ay kumuha ng patubot pakinabang, at ikaw ay nakinabang ng malabis sa iyong kapuwa sa pamamagitan ng pagpighati, at nilimot mo ako, sabi ng Panginoong Dios.

13Narito nga, aking ipinakpak ang aking kamay dahil sa iyong masamang pakinabang na iyong ginawa, at sa iyong dugo na iyong ibinubo sa gitna mo.

14Makapagmamatigas baga ang iyong puso, o makapagmamalakas baga ang iyong mga kamay sa mga araw na parurusahan kita? Akong Panginoon ang nagsalita, at gagawa niyaon.

15At aking pangangalatin ka sa gitna ng mga bansa, at pananabugin kita sa mga lupain; at aking papawiin ang iyong karumihan sa gitna mo.

16At ikaw ay malalapastangan sa iyong sarili, sa paningin ng mga bansa; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.

17At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

18Anak ng tao, ang sangbahayan ni Israel ay naging dumi ng bakal sa akin: silang lahat ay tanso at lata at bakal at tingga, sa gitna ng hurno; sila ay naging dumi ng pilak.

19Kayat ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagkat kayong lahat ay naging dumi ng bakal, kayat narito, aking pipisanin kayo sa gitna ng Jerusalem.

20Kung paanong kanilang pinipisan ang pilak at ang tanso at ang bakal at ang tingga at ang lata sa gitna ng hurno, upang hipan ng apoy, upang tunawin; gayon ko kayo pipisanin sa aking galit at sa aking kapusukan, at aking ilalapag kayo roon, at pupugnawin ko kayo.

21Oo, aking pipisanin kayo, at hihipan ko kayo sa pamamagitan ng apoy ng aking poot, at kayoy mangapupugnaw sa gitna niyaon.

22Kung paanong ang pilak ay natutunaw sa gitna ng hurno, gayon kayo mangatutunaw sa gitna niyaon; at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagbububos ng aking kapusukan sa inyo.

23At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

24Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay isang lupain na hindi nilinis, o naulanan man sa kaarawan ng pagkagalit.

25May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon, gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli: silay nanganakmal ng mga tao; silay nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon,

26Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan, at nilapastangan ang aking mga banal na bagay: silay hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan, o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis, at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath, at akoy nalapastangan sa gitna nila.

27Ang mga prinsipe sa gitna niyaon ay parang mga lobo na nangangagaw ng huli, upang mangagbubo ng dugo, at upang magpahamak ng mga tao, upang silay mangagkaroon ng mahalay na pakinabang.

28At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila, na nakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, dangang hindi sinalita ng Panginoon.

29Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati, at nagnakaw; oo, kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan, at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa.

30At akoy humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain, upang huwag kong ipahamak; ngunit wala akong nasumpungan.

31Kayat aking ibinuhos ang aking galit sa kanila; aking sinupok sila ng apoy ng aking poot: ang kanilang sariling lakad ay aking pinarating sa kanilang mga ulo, sabi ng Panginoong Dios.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

Choose Translation

Switch translation for Ezekiel 22.

Reading Settings

Paragraph viewDisplay verses as flowing paragraphs instead of individual lines
Show verse numbersDisplay verse numbers inline
Red letterHighlight the words of Christ in red

Sign in to save your reading preferences across sessions.