1Nang magkagayoy pumihit ako, at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, ngunit wala silang mangaaliw.
2Kayat aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa;
3Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw.
4Nang magkagayoy nakita ko ang lahat na gawa, at bawat gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
5Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay, at kumakain ng kaniyang sariling laman.
6Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan.
7Nang magkagayoy bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw.
8May isa na nagiisa, at siyay walang pangalawa; oo, siyay walang anak o kapatid man; gayon may walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.
9Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagkat silay may mabuting kagantihan sa kanilang gawa.
10Sapagkat kung silay mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; ngunit sa aba niya, na nagiisa pagka siyay nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya.
11Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila: ngunit paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa?
12At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali.
13Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari, na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa.
14Sapagkat mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari; oo, sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha.
15Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na silay kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya.
16Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid bagay sa lahat na pinaghaharian niya: gayon may silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya.Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.