Acts 28
1 At nang kamiy mangakatakas na, nang magkagayoy napagtalastas namin na ang puloy tinatawag na Melita.
2 At pinagpakitaan kami ng hindi karaniwang kagandahang-loob ng mga barbaro: sapagkat silay nagsiga, at tinanggap kaming lahat, dahil sa ulan niyaon, at dahil sa ginaw.
3 Datapuwat pagkapagtipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, ay lumabas ang isang ulupong dahil sa init, at kumapit sa kaniyang kamay.
4 At nang makita ng mga barbaro ang makamandag na hayop na nakabitin sa kaniyang kamay, ay nagsabi ang isa sa iba, Walang salang mamamatay-tao ang taong ito, na, bagamat siyay nakatakas sa dagat, gayon may hindi siya pinabayaang mabuhay ng Katarungan.
5 Gayon may ipinagpag niya ang hayop sa apoy, at siyay hindi nasaktan.
6 Ngunit kanilang hinihintay na siyay mamaga, o biglang mabuwal na patay: datapuwat nang maluwat na silang makapaghintay, at makitang walang nangyari sa kaniyang anoman, ay nangagbago sila ng akala, at nangagsabing siyay isang dios.
7 At sa mga kalapit ng dakong yaoy may mga lupain ang pangulo sa pulong yaon, na nagngangalang Publio; na tumanggap sa amin, at nagkupkop sa aming tatlong araw na may kagandahang-loob.
8 At nangyari, nararatay ang ama ni Publio na may-sakit na lagnat at iti: at pinasok siya ni Pablo, at nanalangin, at nang maipatong sa kaniya ang kaniyang mga kamay ay siyay pinagaling.
9 At nang magawa na ito, ay nagsiparoon naman ang mga ibang maysakit sa pulo, at pawang pinagaling:
10 Kami namay kanilang pinarangalan ng maraming pagpaparangal; at nang magsilayag kami, ay kanilang inilulan sa daong ang mga bagay na kinakailangan namin.
11 At nang makaraan ang tatlong buwan ay nagsilayag kami sa isang daong Alejandria na tumigil ng tagginaw sa pulo, na ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal.
12 At nang dumaong kami sa Siracusa, ay nagsitigil kami roong tatlong araw.
13 At mula dooy nagsiligid kami, at nagsirating sa Regio: at pagkaraan ng isang araw ay humihip ang timugan, at nang ikalawang araw ay nagsirating kami sa Puteoli;
14 Na dooy nakasumpong kami ng mga kapatid, at kamiy pinakiusapang matira sa kanilang pitong araw: at sa gayoy nagsirating kami sa Roma.
15 At buhat dooy pagkabalita ng mga kapatid, ay sinalubong kami sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan; na nang silay makita ni Pablo, ay nagpasalamat sa Dios, at lumakas ang loob.
16 At nang mangakapasok kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang mamahay na magisa na kasama ng kawal na sa kaniyay nagbabantay.
17 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw ay tinipon niya yaong mga pangulo sa mga Judio: at nang silay mangagkatipon na, ay sinabi niya sa kanila, Ako, mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anoman laban sa bayan, o sa mga kaugalian ng ating mga magulang, ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga Roma:
18 Na, nang akoy kanilang masulit na, ay ibig sana nila akong palayain, sapagkat wala sa aking anomang kadahilanang marapat sa kamatayan.
19 Datapuwat nang magsalita laban dito ang mga Judio, ay napilitan akong maghabol hanggang kay Cesar; hindi dahil sa mayroon akong anomang sukat na maisakdal laban sa aking bansa.
20 Sanhi sa dahilang ito tinawag ko kayo upang makipagkita at makipagusap sa akin: sapagkat dahil sa pagasa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito.
21 At sinabi nila sa kaniya, Kamiy hindi nagsitanggap ng mga sulat na galing sa Judea tungkol sa iyo, ni naparito man ang sinomang kapatid na magbalita o magsalita ng anomang masama tungkol sa iyo.
22 Datapuwat ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong iniisip: sapagkat tungkol sa sektang itoy talastas naming sa lahat ng mga dako ay laban dito ang mga salitaan.
23 At nang mataningan na nila siya ng isang araw, ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan; at sa kanilay kaniyang ipinaliwanag ang bagay, na sinasaksihan ang kaharian ng Dios, at silay hinihikayat tungkol kay Jesus, sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta, buhat sa umaga hanggang sa gabi.
24 At ang mga ibay nagsipaniwala sa mga bagay na sinabi, at ang mga ibay hindi nagsipaniwala.
25 At nang silay hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang,
26 Na sinasabi, Pumaroon ka sa bayang ito, at sabihin mo, Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraay hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraay hindi ninyo mamamalas:
27 Sapagkat kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka silay mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik-loob, At silay aking pagalingin.
28 Maging hayag nawa sa inyo, na ang kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala sa mga Gentil: silay makikinig naman.
29 At nang masabi na niya ang mga salitang itoy nagsialis ang mga Judio, at sila-silay nangagtatalong mainam.
30 At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan, at tinatanggap ang lahat ng sa kaniyay nagsisipagsadya,
31 Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya.