2 Corinthians 10
1 Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo, ako na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo, ngunit akoy lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo:
2 Oo, akoy namamanhik sa inyo, upang kung akoy nahaharap ay huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa ilang nagiisip sa amin, na waring kami ay nagsisilakad ng ayon sa laman.
3 Sapagkat bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman.
4 (Sapagkat ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);
5 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawat bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;
6 At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.
7 Minamasdan ninyo ang mga bagay na nahaharap sa inyong mukha. Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siyay kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siyay kay Cristo, kami naman ay gayon din.
8 Sapagkat bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.
9 Upang huwag akong wariy ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat.
10 Sapagkat, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; datapuwat ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang pananalita ay walang kabuluhan.
11 Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap.
12 Sapagkat hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: ngunit sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa.
13 Datapuwat hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo.
14 Sapagkat hindi kami nagsisilagpas ng higit, na waring hindi na namin kayo aabutin: sapagkat hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo:
15 Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, sa makatuwid bagay ang mga gawa ng ibang mga tao; kundi yamang may pagasa, na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya, kamiy pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan,
16 Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin.
17 Datapuwat ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon.
18 Sapagkat hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.