1 Samuel 1
1 May isa ngang lalake na taga Ramathaim-sophim, sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang pangalan niyay Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliu, na anak ni Thohu, na anak ni Suph na Ephraimita:
2 At siyay may dalawang asawa; ang pangalan ng isay Ana, at ang pangalan ng isay Peninna: at si Peninna ay may mga anak ngunit si Ana ay walang anak.
3 At ang lalaking ito ay umaahon sa taon-taon mula sa kaniyang bayan upang sumamba at maghain sa Panginoon ng mga hukbo sa Silo. At ang dalawang anak ni Eli, na si Ophni at si Phinees, na mga saserdote sa Panginoon, ay nangandoon.
4 At pagka dumarating ang araw na si Elcana ay naghahain, ay kaniyang binibigyan ng mga bahagi si Peninna na kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang mga anak na lalake at babae:
5 Ngunit si Ana ay binibigyan niya ng ibayong bahagi: sapagkat minamahal niya si Ana, bagaman sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.
6 At minumungkahi siyang mainam ng kaniyang kaagaw upang yamutin siya, sapagkat sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.
7 At gayon ang ginagawa niya sa taon-taon, na pagka inaahon niya ang bahay ng Panginoon ay minumungkahi niyang gayon ang isa; kayat siyay umiiyak, at hindi kumakain.
8 At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya, Ana, bakit ka umiiyak? at bakit hindi ka kumakain? at bakit nagdadalamhati ang iyong puso? hindi ba ako mabuti sa iyo kay sa sangpung anak?
9 Sa gayoy bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na silay makainom. Ngayoy si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng templo ng Panginoon.
10 At siyay nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.
11 At siyay nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.
12 At nangyari, habang siyay nananatili ng pananalangin sa harap ng Panginoon, ay pinagmamasdan ni Eli ang kaniyang bibig.
13 Si Ana ngay nagsasalita sa kaniyang puso; ang kaniya lamang mga labi ang gumagalaw, ngunit ang kaniyang tinig ay hindi naririnig: kayat inakala ni Eli na siyay lasing.
14 At sinabi ni Eli sa kaniya, Hanggang kailan magiging lasing ka? ihiwalay mo ang iyong alak sa iyo.
15 At sumagot si Ana, at nagsabi, Hindi, panginoon ko, akoy isang babae na may diwang mapanglaw: hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing, kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon.
16 Huwag mong ibilang na babaing hamak ang iyong lingkod: sapagkat sa kasaganaan ng aking daing at ng aking pagkaduwahagi ay nagsalita ako hanggang ngayon.
17 Nang magkagayoy sumagot si Eli, at nagsabi, Yumaon kang payapa: at ipagkaloob nawa sa iyo ng Dios ng Israel ang iyong hiling na hinihingi mo sa kaniya.
18 At sinabi niya, Makasumpong nawa ang iyong lingkod ng biyaya sa iyong paningin. Sa gayoy nagpatuloy ng kaniyang lakad ang babae at kumain, at ang kaniyang mukhay hindi na malumbay.
19 At silay bumangong maaga ng kinaumagahan, at sumamba sa Panginoon, at bumalik, at umuwi sa kanilang bahay sa Ramatha; at nakilala ni Elcana si Ana na kaniyang asawa; at inalaala siya ng Panginoon.
20 At nangyari, nang sumapit ang panahon, na si Ana ay naglihi, at nanganak ng isang lalake; at tinawag ang pangalan niya na Samuel, na sinasabi, Sapagkat aking hiningi siya sa Panginoon.
21 At ang lalaking si Elcana, at ang buong sangbahayan niya, ay nagsiahon upang maghandog sa Panginoon ng hain sa taon-taon, at ganapin ang kaniyang panata.
22 Ngunit si Ana ay hindi umahon; sapagkat sinabi niya sa kaniyang asawa, Hindi ako aahon hanggang sa ang batay mahiwalay sa suso; at kung magkagayoy aking dadalhin siya, upang siyay pakita sa harap ng Panginoon, at tumahan doon magpakailan man.
23 At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya, Gawin mo ang inaakala mong mabuti; maghintay ka hanggang sa maihiwalay mo siya sa suso; pagtibayin lamang ng Panginoon ang kaniyang salita. Sa gayoy naghintay ang babae, at pinasuso ang kaniyang anak, hanggang sa naihiwalay niya sa suso.
24 At nang kaniyang maihiwalay na sa suso, ay kaniyang iniahon, na may dala siyang tatlong guyang lalake, at isang epang harina, at isang sisidlang balat ng alak, at dinala niya siya sa bahay ng Panginoon sa Silo: at ang anak ay sanggol.
25 At kanilang pinatay ang guyang lalake, at dinala ang bata kay Eli.
26 At sinabi niya, Oh panginoon ko, alangalang sa buhay ng iyong kaluluwa, panginoon ko, ako ang babaing tumayo sa siping mo rito, na nanalangin sa Panginoon.
27 Dahil sa batang ito ako nanalangin; at ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang aking hiling na aking hiningi sa kaniya:
28 Kayat aking ipinagkakaloob naman sa Panginoon habang siyay nabubuhay ay ipinagkakaloob ko siya sa Panginoon. At siya ay sumamba sa Panginoon doon.